Story cover for WHITE DEVIL'S VEIN by Ravenheine86
WHITE DEVIL'S VEIN
  • WpView
    Reads 3,623
  • WpVote
    Votes 86
  • WpPart
    Parts 19
  • WpView
    Reads 3,623
  • WpVote
    Votes 86
  • WpPart
    Parts 19
Complete, First published Oct 28, 2013
Mula sa dako ng timugan, sa dako ng malamig na pook ay nakatunghay ang tatlong demonyong nakaluklok sa isang moog doon.  

Sila ay may tig-iisang dambana at pawang mga malalakas na kampon ng kadiliman. Sila nga rin ay mga anak ng mga anghel na inihagis mula sa langit at napasa-lupa kasama ni Lucifer, ang pinahirang kerubin.   Sila’y binigyan din naman ng karapatan na ipahamak ang lupa at gawin ang nais gawin sa sangkatauhan. At ngayon nga, sila ay nakatunghay sa isang bayan sa isang planeta sa nasa Milky Way galaxy rin na itinago sa sangkatauhan. Ito ang bayan ng Edoreza na siyang katumbas ng bayan sa silanganan ng Eden sa aklat ng Genesis.  

Ang bayang ito’y nasa silanganan ng planetang Gengeluva na katulad ng ating planetang earth. Ang pagkakaiba, mas malaki nga lang ang earth ng apat na beses sa naturang planeta at ang kulay ng lupa roon ay pula. Ang tubig ay gaya ng sa atin at ang atmospera ay kulay berde. Sa ating planeta ay kulay asul.   At ang tatlong demonyo’y nag-uusap mula sa dakong kanilang luklukan habang nakatingin sa naturang bayan. Minamasdan ang bawat gawain ng mga tao roon.   Ang bayan nga ng Edoreza’y nagpapasimula pa lamang sa kanyang kasaysayan. Ito ay tumatakbo pa lang sa kanyang ika- 10,000 taong kasaysayan buhat nang lalangin ito ng Lumikha.

At ang tatlong demonyo nga’y inatasan ni Lucifer na magtungo roon bilang kanilang misyon para sa paghahanda sa sagupaan sa digmaan o Armageddon. Sila ay sinaAdecentes, Balzephur, at Vegasheval.  

Sa kanilang tatlo, si Vegasheval ay may malinis na puso at may mabuiting layun sa mga mortal. Siya'y umibig sa isang babae. At ang pag-ibig na ito ang naging daan at dahilan upang kalabanin niya ang kanyang mga kauri. Na bagamat' anak ng isang masamang nilalang ( demonyo) sa isang mortal ay may angking kakaibang lakas at kapangyarihan na panig sa kabutihan.
All Rights Reserved
Sign up to add WHITE DEVIL'S VEIN to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Ang Mahiwagang Lihim by NexStoriesOfficial
155 parts Ongoing
🔥Isang Kwento sa Mundo ng Nexmythos. 📜Bago pa isinilang ang Dakilang Anak , bago pa narinig ang unang tibok ng puso ng tao, may lihim nang itinago sa pagitan ng liwanag ng mga bituin at ng kadiliman. Isang lihim na hindi isinulat sa aklat ng panahon, kundi sa mismong hibla ng kaluluwa ng sansinukob. Isang lihim na hindi nilikha, kundi itinadhana upang maibalik muli sa balanse ang sansinukob sa napipintong pagkagunaw. Mula sa alon ng walang hanggang dilim, bumangon ang Tatlong Haligi ng Kadakilaan: Ang Espiritu, Ang Di-Matitinag na Kalooban at ang Likas na Lakas. Ngunit sa gitna ng kanilang pagkakaisa, may isa sa kanila ang lumihis ng landas dahil sa kasakiman... at tinawag ang sarili niyang diyos. Doon nagsimulang mabiyak ang langit. Ang mga tala'y nagdugo. Ang oras ay tumigil. At ang tinig ng liwanag ay tumahimik. Isang mahiwagang selyo ang inilimbag sa puso ng sangkalawakan, selyong walang sinumang mortal ang maaaring bumasa, maliban sa Isa. Isang nilalang na hindi lang isinilang, kundi ibinagsak sa daigdig. Isang nilalang na tila hamak na tao... Ngunit taglay ang kapangyarihang kayang gisingin ang mga patay na alamat at tapusin kahit pa ang pinakamakapangyarihang kasamaan. Ang mahiwagang lihim ay hindi hinahanap. Ito'y kusa lamang nagbubunyag... sa piling ng mga pusong handang masira upang buuin muli ang dakilang pag-ibig ng sansinukob. At sa pag-ikot ng mga bituin, at sa paghuni ng mga pangitain... Isinilang siya. Ang pangalan niya ay... hindi pa isinusulat sa kasaysayan. Ngunit malapit na. Dahil ang dilim ay patuloy na naglalakbay, at ang liwanag ay muling magtatanong: "Handa ka na bang tuklasin ang mahiwagang lihim?" 📖 Huwag palampasin ang bawat kabanata ng kwentong hindi mo malilimutan! #NexStoriesOfficial #NexMythos #NexMythosGenre #NexJavar #AngMahiwagangLihim #HariNgPulubi #PinoyStories #WattpadPH #FantasySeries #ActionAdventure #DarkFantasy #Romance #Mystery #HorrorFanatic #Underground #SecretPower #Mysterythriller #Fantasy #BattleOf
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23) by KYRAYLE23
51 parts Complete Mature
Namatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,napunta ang kanyang kaluluwa sa Impyerno, kapiling si Lucifer. Sa kanyang pagiging matatag sa pagharap sa anumang pagsubok at parusa'ng iginawad nito sa kanya ay napili sya’ng maging isang alagad nito, ang maging ANGHEL na tagasunod sa lahat na ipag-uutos sa kanya. Ipinadala sya sa lupa upang maghasik ng kasamaan, dalhin sa kalungkutan ang mga masasayang nilalang at iligaw ng landas ang mga taong tagasunod kay Hesus upang mapunta ang kaluluwa ng mga ito sa Impyerno kapiling ang Hari Ng Kadiliman, sa oras na sila'y mawalan na ng buhay dito sa lupa. Ngunit hindi nya ito sinunod. Ang mga masasama ay hinatid nya sa kabutihan, ang mga naghihiwalay na mag-asawa ay kanyang muling pinagtatagpo sa isa't-isa at muling nagkakabalikan, at ang mga naliligaw ng landas ay muli nyang ibinalik kay Hesus. Lingid sa kanyang kaalaman, may isang nilalang na mula sa kalawakan ang lihim na nagmamasid at natutuwa sa kanyang kabutihang ginawa, na magbibigay sa kanya ng panibagong pag-asa. Paanu uusbong ang pag-iibigan ng dalawang nilalang na nanggagaling sa magkaibang mundo? Hanggang kelan nila kayang ipaglaban ang kanilang pag-ibig? May bukas ba'ng naghihintay para sa dalawang nilalang na wagas na nagmamahalan? TUNGHAYAN ANG PAG-IBIG NG ISANG ANGHEL MULA SA IMPYERNO! ang ANGHEL NI LUCIFER!!! ----------------------------------------------------------------------------------------------- Please vote and leave comments below. Any suggestions are welcome. Hope you enjoy reading. God bless!!!
Lucky 14 by famebad01
21 parts Complete
Sa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthenios , hari ng mga diyos, ay mag uumpisa ang paglalakbay upang hanapin ang iba pang bato na siyang magbabalik sa kapayapaan ng daigdig. Si Jerabella, isang magiting na mandirigmang nagtataglay ng ika-labing-apat na bato na sumisimbolo sa Pag-ibig ay bababa mula sa Realm of Gods at susubukang hanapin sa daigdig ang pares ng kaniyang heart stone (Pusong bato😂😂), maging ng iba pang elemento, bago pa ito makuha ni Voxana, ang hari este reyna ng kasamaan. Pag-ibig, karunungan, liwanag, kadiliman, katubigan, kalupaan, at ang kapangyarihan ng buwan. Pitong elementong hawak ng pitong pares ng demigods. Paano nga ba matatagpuan ang mga mahiwagang batong nakatago sa mundo ng mga mortal? Mababago pa kaya ang mundo sa pamamagitan ng pag-ibig? Sa paraan na pilit nitong kinasusuklaman? Samahan si Jerabella sa kaniyang paglalakbay sa makulit na mundo ng mga mortal upang makamit ang isang kahilingan, sa Lucky 14. Realms of God mundo na high technology halos lahat ng bagay meron dun. Sa mundong walang basura, sariwa ang hangin, maganda ang liwanag ng araw pati na rin ang pa sikat ng buwan at mga tao dun ay maganda ang pangangatawan halos perfect sila kung sa normal lang na tao. Ang isang planeta naman kabaliktaran ng mundo ng Realms Of God kasi yung utak ng mga tao dun ay puro training para sa digmaan sa bawat isa. Walang love dun sa mundo na yun gusto lang nila palagi ng didigmaan. Halos yung hangin dun parang pinaghalo dugo at amoy ng ilog. Madaming dugo ang nasa paligid, madaming rin basura sa paligid at halos hindi mo ma intindihan ang mga tao sa sobrang nilang galit sa isa't isa.
Saga ng mga Rebeldeng Kaluluwa: Pamana ng Walang Hanggang Meta-Konsensus by tomiputrade
3 parts Ongoing Mature
Paano kung ang mga kaluluwa ay maaaring maglakbay sa panahon at ang ating mga buhay ay magkakaugnay? Paano kung ang mga patakaran ng mundo ay umiiral lamang upang ikukulong tayo sa siklo ng muling pagsilang? Paano kung may isang taong susubok na lumabag sa mga patakaran? Hindi ba nito sisirain ang panahon? Hindi ba nito babaguhin ang lahat? Sa isang mundo kung saan ang mga sinaunang ritwal ang nagbubuklod sa lupa at langit, isang walang hanggang kwento ang umuunfold sa kabuuan ng libu-libong taon. Sa mga kuwebang pinahirapan ng nagyeyelong lamig ng isang sinaunang panahon, ang pakikipagkasundo ng isang angkan tungkol sa pag-ibig at paghihimagsik ang nagsisimula ng isang trahedya na umalingawngaw sa kabuuan ng panahon. Si Nevar, isang taong nangarap tungkol sa mga bituin, at si Lurok, ang kanyang matatag na kapatid, ay lumilikha ng mga artefact ng kapalaran-ang sibat ng langit at palakol ng lupa-upang lamang mawalay sa isa't isa dahil sa pagkawala at pagtataksil. Ang kanilang kwento, na inukit sa Altar ng Walang Hanggang Pinabayaang Pag-ibig, ay umalingawngaw hanggang sa malayong hinaharap, kung saan natutuklas ng istoryador na si Irkna ang kanilang pamana sa pamamagitan ng nakakamangha't nakakabagabag na mga pangitain. Perpekto para sa mga tagahanga ng epikong pantasya, mga kwentong tumatagos sa iba't ibang panahon, at mga misteryo ng arkeolohiya. Ang Saga ng mga Rebeldeng Kaluluwa ay naglalahad mula sa panahon ng bato hanggang sa hinaharap kung paano naghihimagsik ang mga kaluluwa at sinusubukang sirain ang siklo ng muling pagsilang. Tropez: Paglalakbay sa Panahon, Paghihimagsik Laban sa Kapalaran, Pakikibaka para sa Kosmikong Kapangyarihan, Espiritwal na Paglalakbay, Kwentong Tumatagos sa mga Panahon Mga babala: May mga paglalarawan ng karahasan at dugo (kabilang ang mga labanan ng angkan at ritwal na sakripisyo), pagkamatay ng mahahalagang karakter, at emosyonal na trauma (kalungkutan, pagkawala, pagtataksil).
Bulan a Demon's Love (Soon to be Published under WESAPH PUBLISHING) by ChanZee218
27 parts Complete Mature
PAALALA Ito po ay Orihinal kong likha. Hindi ko pinapayagan ang pagkopya o paggaya ng alin man sa mga likha ko. No to magnanakaw ng story 😤 No to PLAGIARISM 😤 ----------------- Blurb Isang Maharlikang Lahi ng Demonyo na nagmahal ng isang nilalang na hindi nila kauri nagsimula sa simpleng pagkakaibigan lamang na nauwi sa pagkakaunawaan na unti-unting lumalalim habang tumatagal ngunit isang parusa ang bumago ng takbo ng kanilang mga Tadhana, kaya ba nilang ipaglaban ang isa't isa o hahayaan na lamang nila na tangayin sila ng agos sa kung saan sila nito dadalhin. Isang desisyon ang bumali sa Batas na itinakda ni Lucifer bilang Hari ng Pandemonium, Batas na kahit sino ay hindi puwedeng sumalungat ngunit nanaig ang pagnanais ni Bulan na makitang muli si Haunter ang nilalang na kasama niyang lumaki at sumumpang poprotektahan siya kahit Buhay pa nito ang kapalit. Hanggang saan kayang manindigan ni Bulan para sa ipinaglalaban niyang Pag-ibig. Magkikita pa kaya sila ng Binatang pinaglaanan niya ng Damdamin? Paano kung ang nilalang na dapat sana ay magtatanggol sa kanya ay nagmula pa pala sa Kalabang Lahi na naghahangad ng Kapangyarihang na hihigit pa sa mga Demonyo. Ano ba ang dapat niyang gawin? Susuko ba siya o susundin ang itinitibok ng kanyang Puso? Ilang Batas pa ba ang kaya nilang baliin para sa kapakanan ng bawat isa? Magkakaroon ba sila ng Masayang Wakas o isang nakapangingilabot na Katapusan?
You may also like
Slide 1 of 9
FORBIDDEN BLOOD [Part 1 & 2] cover
Ang Mahiwagang Lihim cover
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23) cover
JASPER, The Demon Slayer cover
Lucky 14 cover
Saga ng mga Rebeldeng Kaluluwa: Pamana ng Walang Hanggang Meta-Konsensus cover
My Guardian Devil cover
Bulan a Demon's Love (Soon to be Published under WESAPH PUBLISHING) cover
Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed]  cover

FORBIDDEN BLOOD [Part 1 & 2]

86 parts Complete

Isang immortal na pinalaki sa mundo ng mga tao. Ano kaya ang magiging buhay nya kung kakailanganin na nya ang magbalik sa kanyang tunay na mundo. Paano nya makokontrol ang nag-uumapaw na kapangyarian na bumabalot sa kanyang katauhan. Sa dalawang mukha ng pag-ibig. Makikilala kaya nito ang tunay na nagmamay-ari sa kanya? Makayanan kaya nya ang mga pagsubok na darating...