Sabi nila kapag nakita mo na daw yung taong mamahalin mo, titigil ang mundo. Yung tipong slow motion lahat tapos siya lang yung bukod tanging nakikita mo. Ewan ko kung anong pumasok sa kokote ng mga taong nag-imbento nito pero kahit naman sa anong anggulo mo tingnan, malabong mangyari ang mga ganyang bagay sa tunay na buhay.
Paano naman yung SPARK, yung kuryente na mararamdaman mo once na nagkaroon kayo ng physical contact? Ewan ko lang, nakadrugs ata yung mga iyon eh!
Love at first sight? Pwede ba?! Atraksyon pwede pa, pero love?
I DON'T THINK SO.
Don't get it the wrong way. Hindi ako man hater o kaya naman yung mga tipong hindi naniniwala sa pag-ibig.
Siguro lang mas REALISTIKO ang pananaw ko kaysa sa mga iba.
Hindi man ako romantiko,
Hindi man CLICHE ang istorya ko,
Hindi man puro HAPPILY EVER AFTER ang buhay ko,
Atleast masasabi ko
NAGMAHAL pa rin ako.
Iyon nga lang,
SA PARAANG ALAM KO.All Rights Reserved