Siya si Bridget Faye Fernandez. Maganda, masipag, matalino at higit sa lahat mabait. Anak siya ng mga kilalang entrepreneur sa bansang ito. Siya ay Senior High School sa Fernandez University. Oo, sila ang may-ari ng Fernandez University. Siya ay SSG President ng buong Unibersidad. Ang dami-daming nabibighani sa taglay niyang katangian, kaya di mapapagkailang ang daming nagkakagusto sa kanya. ISA NA AKO 'DUN. Ako si Bryan Derick Gonzales. Gaya ng katangian ni Bridget: Gwapo, masipag, matalino at mabait raw ako. Sabi ng nanay ko. Pero kasalungat naman ng estado ng pamumuhay namin ang pamilya ni Bridget, hindi kami mayaman kagaya nila. Yung sapat lang para makaahon sa araw-araw naming pangangailangan. Nag-aaral rin ako sa Fernandez University bilang Senior High. Nagtataka siguro kayo kung bakit at paano ako nakaka-aral sa Unibersidad nila, hehe. Isa ako sa mga skolar ng Fernandez University, libre lahat ng gastos ko sa skwelahan pero kapalit nito dapat wala akong maibagsak na subjects kahit isa. Gwapo naman daw ako? Masipag? Matalino? At mabait? Pero bakit hindi ako mapansin ni Faye?
5 parts