Matapos ang ilang dekadang pananaliksik at pagtutulungan ng iba't-ibang malalaking kompanya sa buong mundo ay matagumpay nilang inanunsyo ang posibilidad na isapubliko ang "MRX-e-Capsule 2.0" o "MeC" na matagal nang ginagamit ng mga piling ospital at pribadong sektor ng mga militar sa ibang bansa. Ang MeC ay ginagamit ng mga kilalang personalidad, politiko o may mga kayang pamilya bilang lunas sa kanilang nakamamatay karamdaman upang ibsan ang matitinding sakit na kanilang nararamdaman. Isa rin itong ginawang daan upang makausap ang mga nakaratay nilang mahal sa buhay sa pamamagitan ng isang 'VR World Video Chat'. Habang ang mga militar naman ay ginamit ang 'Virtual World' bilang training field para sa mga customized warfare, special operations etc.,. Ika-7 ng Marso, 2058 nang isinakatuparan ang pagsasapubliko ng "MeC" kasabay nito ang pagbuo ng mga gaming company ng samut-saring Virtual Reality Games.
- - -
[ News Tv Patrol Reporter: Sir, totoo po ba ang pagbubukas ng pinakamalaking gaming company dito sa Pilipinas? ]
[ Gaming Company Spokesperson: Yes, we're really glad to announce na this year na mags-start ang pinakakaunaunahan at pinakaaabangan VRMMORPG ng mga kapatid nating Pinoy. ]
[ News Tv Patrol Reporter: Ano pong pangalan ng most anticipated na game na ito? ]
[ Gaming Company Spokesperson: Verxalem PH Online ]
- - -
| Hello guys! So, ayun baguhan lang po ako sa pagsusulat. In fact, this is my first story, yes, scifi na taglish. Hope I could do this well and sana magustuhan niyo despite of various grammatical errors.