Paano kung yung nakasanayan mo biglang magbago? Kunwari; Noon, Hawak nya ang kamay mo. Ngayon, Ganoon pa rin naman pero hindi na sa'yo. Noon, Ikaw lang ang nakikita niya. Ngayon, Nakikita ka pa ba niya? Noon, Mahal na mahal ka niya pero ngayon? May mahal na siyang iba. Yung nakasanayan mong paghatid sundo sa iyo, yung may yumayakap kapag malungkot ka, yung kasama mo manood ng mga bagong labas na movies, yung laging nagpapangiti at nagpapatawa sa'yo kapag nakabusangot, yung kasama mo kumain sa labas, yung kasabay mo sa lahat ng trip mo sa buhay, yung taong hinding hindi ka iiwan, yung taong kasama mo sa lahat ng nakasanayan mo, biglang magbago. Tipong buong buhay mo isinandal mo sa taong 'yon na bigla biglang nasilaw at naglakad palayo. Pabigat ka rin kasi eh. Ayan, Natumba ka tuloy. Paano ka? Paano tayong mga bobo't tanga pagdating sa estupidong 'love'? Kaya pa?All Rights Reserved
1 part