"Madalas naiinis ako sa mga pang-aasar mo pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan masaya ako 'pag nandyan ka. Sa tuwing tinititigan kita ay parang may nagwawalang kung ano sa tyan ko. Dati hindi ko maipaliwanag kung ano ba 'tong nararamdaman ko pero ngayon alam ko na. Mahal din kita, Keenu. Wala ng hihigit sayo maski si Jungkook pa 'yan o si Luhan, o Baekhyun, o GD, o kahit sino pa." - Andrea