May mga tao talagang late nabibiyaan ng Diyos. Yun bang, sa physical appearance ay talagang nasa huli sa listahan ng kagandahan. Alam mo yun? Kasi, sabi ng iba, pwede ring, nagmamadali Siya sa paggawa ng tao, o kaya deadline na kaya hindi na niya binigyang pansin kung ano ang mukha ng ginagawa niya. Kagaya ko, sabi nila, ang pangit ko raw. Makapal ang kilay, dry ang lips, rough ang skin, maraming pimples, mukhang hipon dahil ang sexy raw ng body ko tapos yung mukha hindi pumantay, at ang buhok ko raw ay parang hindi nasusuklayan in one year. Pero wala akong paki sa kanila. I don't care if they think that I look like a monster. I don't care if they call me the poster mother of Rapunzel. Or Corazon, ang unang aswang, or anything else. I don't care. And I don't bother to care. Dahil isa ako sa mga taong naniniwalang mabibigyan rin ako ng mga biyaya in the right day, the right time and in the right place.