yung iba satin nagiging ugali ang pagiging makasarili
iniisip lang kung ano ang ikakasaya ng sarili na hindi ikinoconsider ang feelings ng ibang tao..
minsan natututo tayong makipagkompetensya, mang-agaw, at manakit ng iba para lang masunod ang ating mga kagustuhan at maging masaya..
pero hanggang kailan? hanggang kailan mabubulag ang ilan saatin ng sayang buhat ng tagumpay mula sa walang hanggang pagkakagulo?
kailan natin tatanggaping walang permanente sa mundo at lahat ay may hangganan?at lahat ng pagkakamaling nagawa natin ay may mas masakit na kapalit? marahil masarap ngang matikman ang sayang dulot ng LOVE pero hanggang kailan natin tatanggapin na hindi lahat ng bagay ay para saatin?
kailan? kung huli na ang lahat at nasira na ang buhay mo ng pagkakamaling hindi mo man lamang pinag-isipan..?Todos los derechos reservados