Hindi naman lahat ng Playboy, hindi na pwede magbago. May mga pagkakataon na sila'y nagbabago sa isang rason. Isa dito ay ang pagbabago nila dahil sa isang babae na kanilang nakilala. Na hindi nila akalain na magpapabago sa kanila. Nixon Scott Ocampo, isang kilalang Playboy ng Ermington University. Gwapo, Matangkad, Maputi, Matalino ngunit isang Malokong lalake. Halos lahat nalang ng babae sa school, shinoshota niya at sa huli ay lolokohin lang din naman niya. Nakilala naman niya si Cassidy Eleanor Torres, Maganda, Mabait, Makulit, Maputi at higit sa lahat Matalino. Running for valedictorian. Ngunit siya naman ay isang Manhid. Nang siya'y makilala ni Nixon ay hindi niya malaman ang dahilan kung bakit unti-unti siyang nagbabago. Ito ba ay kusa na lamang? O dahil kay Cassidy?