"JOOOSEEEEEPPHH!!!" Malakas na sigaw ni Troy. Napaluhod na lang din siya, nanginginig, matapos masaksihan ang pagkakadukot kay Joseph habang papalayong tinatangay ng dalawang armadong lalaki.
"Si-si Joseph. Ace, si Josep-"
Tulirong sambit niya habang nakaturo doon sa mga lalaking humahatak kay Joseph. "HOY, TROY! TUMAYO KA NA DIYAN! NAKAKALAYO NA SILA!" Bulyaw ko na nagpabalik sa kaniya sa katinuan. Ilang segundo matapos mag-sink in sa kaniya 'yung nangyari, tumayo na siya at kinwelyuhan ako.
"KASALANAN MONG LAHAT 'TO! KASALANAN MO! Kung hindi tayo nag-aksaya ng oras sa kalokohan, sana-"
Agad kong hinawi 'yung mga kamay niya. Ang galit ko ay mas matindi pa sa kaniya.
"SAKA NA TAYO MAGSISIHAN! NAKAKALAYO NA SILA! PUMUNTA KA DOON SA KALSADA AT HUMINGI KA NG TULONG! WALANG MAGAGAWA 'YANG PANINISI MO!"
"KAPAG MAY NANGYARI KAY JOSEPH, HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD!"
"FUCK! SUSUNDAN KO SILA! WALANG MAGAGAWA 'YANG PANINISI MO! KUNG AKO SA 'YO, KUMILOS KA NA!"
"HIBANG KA NA, ACE! HINDI KA SI SUPERMAN! HINDI MO BA NAKIKITA NA MAY MGA BARIL SIL-"
"BAHALA KA SA BUHAY MO! KUNG AYAW MONG TUMULONG, 'DI WAG!"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Walang mangyayari kung makikipagtalo lang ako sa kaniya. Ang dami nang nasayang na oras. Tumakbo ako, ang tanging tunog na naririnig ko ay ang sarili kong tibok ng puso.
"HOY, ACE!! BUMALIK KA DITO! FUCK!"
Rinig kong sigaw ni Troy bago ako makaliko sa kanto kung saan dinala si Joseph. Kailangan ko silang mahabol at subukang iligtas si Joseph.
Alam kong imposible, pero kailangan kong subukan. Ayoko nang mawalan ulit ng isa pang kaibigan. Ayoko nang may makita ulit na isang ina na umiiyak dahil sa pagkawala ng anak. Hindi ako papayag. Ililigtas ko si Joseph!
(Academy Series #3)
Lancer felt like he needed to do something and Topaz Academy might be the key. At the school of royals, he was hailed as the Lieutenant, the highest ranking student, feared and respected. But when he met this person who resembled his best friend's little sister, Cat, shit began to happen.