AKIN KA
Summer noon at pinagbakasyon kami ni tatay sa probinsya sa Pangasinan. Sa mga kamag-anak niya sa may Villasis.
.
Hay, naku. Buti sana kung maraming papaliscious do'n.
.
Mahaba ang byahe kaya borlogs ang peg ko pagdating namin do'n sa bahay nila tita sa Villasis. Pagkagising ko, may tao din sa kwartong ginagamit ko. Bigla akong napalabas ng pinto kasi naman!
.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Yummy-liscious si koya! Holo, summer love ba itey?
.
Pero syempre, bilang ako'y laking syudad e may pagkaliberated ako pero conservative pa rin. Naks.
.
Naabutan ko si tatay na nagkakape sa may kusina. "Tay, sino 'yung lalaki sa kwarto ko?" Charot, di ko yun kwarto. Remember, nakikituloy lang kami for vmp"Ha? Ah, baka si Dodong 'yon. Dumating kaninang madaling araw. E, 'yon pala ang kwarto niya," sagot nito bago humigop ng kape.
.
"Grabe ka, 'Tay. Di mo man lang ako ginising. Baka tulo laway ko habang nagbubyuti rest. Kakahiya, charot." Nabatukan tuloy ako nito ng isa. Nagtimpla ako ng kape with two creams, unli lang. At feel at home na agad-agad.
.
Pero di nga? Si Dodong iyon?
.
Si Dodong na pamangkin ni Tito Jun, na asawa ni Tita April, na sa kanila tumutuloy kasi malapit sa eskwelahan nila sa Urdaneta?
.
Magkaedad lang kami pero sobrang mahiyain iyon. Nagkaroon tuloy ako ng misyon sa summer ko. Wahaha!
.
Ngayong summer, Dodong, AKIN KA!
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.