I didn't expect na andito ako, kasama ang mahal ko. Isang nerdy guy. Di ko rin ineexpect na maiinlove ako at mababaliw ako ng sobra sa isang tulad niya. Sa isang Zean Kurt Lopez. Isang nerd na walang pake sa mundo basta nagbabasa lang siya. Ang gwapo ng pogi nya noh? Sa totoo lang di siya ganun kapogian. Di siya yung tipo ng mga babae dito. Di siya kilala sa campus, siguro minsan, pag pinapanlaban siya sa mga school contest. Pero bukod dun hindi na siya pansin. Kaya ito ako ngayon, nagtataka sa nararamdaman ko para sa kanya. Di mo nalang napansin na naiinlove ka nalang bigla bigla hindi dahil sa itsura, kundi sa kanyang ugali. Tama nga sila, Love is Blind nga :)