Ang alam ng lahat ay madali lang mabuhay kung may pera. Mabibili mo lahat ng gusto mo at makukuha ng mabilisan lahat ng kailangan dahil may pera. Pero iba ang paniniwala ni Fhilipina dela Marcel. Para sakaniya ay ibang iba ang depinisiyon ng may pera. Hindi kayang bilihin ang pagibig na minimithi. Hindi kayang bumili ng tiwala ang pera. Hindi kayang bilihin ang talento. At mas lalong hindi kayang bilhin ng pera ang pagmamahal na galing sa mga taong importante at mahal niya sa buhay. Paanong hakbang ang gagawin niya na hindi gumagamit ng ano mang kapangyarihan o pera? #Dela Marcel Series 1