Nagtataka ka rin ba kung bakit mahilig ka pa ring manood ng anime sa edad mong iyan? Lagi ka nalang bang puyat sa kakanood ng buong season ng kakadiscover mo lang na series? Kinukutya ka ba dahil sa tingin ng iba sayo ay isip-bata kasi "cartoons" lang ang inaabangan mo every week? Nagiging kamukha mo na ba si Master Pogi sa kakareplay ng Dragon Ball Z sa TV? Mas gusto mo bang makitang maglaban si Madara at Cell kaysa makasama ang manliligaw mong kamukha ni Freeza? Puwes, ito na ang librong matagal mo nang hinihintay beshie. Banzai!!a Prerequisite: Wag mo nang balakin pa na basahin ang librong ito bes kung: 1. ikaw ay isang normal na tao at walang alam sa mundo ng anime; 2. ang anime lang na alam at pinapanood mo ay Naruto at One Piece; 3. di mo kilala si Hanamichi Sakuragi at di mo saulo ang Jersey number niya; 4. mas gusto mo ang Jadine kesa sa loveteam ni Eugene at Jenny o Tamahome at Miyaka; 5. wala kang naging crush/idol ni isa sa mga characters sa anime na pinanood mo; 6. di ka nagagalit kapag sinabing "cartoon" instead of "anime"(my gad!); 7. mas pinangarap mong maging nurse/accountant/engineer kesa maging super sayan nung bata ka pa; I'll tell you, heto piso. Kuha ka ng kausap mo sa diyan sa mundo ng mga tao. Hindi ka makakarelate sa librong to kung perfect score ka sa pitong nabanggit. Magbasa ka na lang ng mga Algebra books para makatulog ka na muna bes. Kesa naman makipaglandian ka dyan sa tabi. Charot!All Rights Reserved