Si Clarence Chipramo Melehiya o kilala sa pangalang Chip-chip ay isang napakatalinong bata na naninirahan sa mundong ibabaw. Sa murang edad nito na nasa sampung taong gulang lamang, hindi mo makakaila ang angkin nitong katalinuhan. Karibal niya palagi ang isa pang pinakamatalino sa kanilang klase, si Luis. Ngunit kahit anong gawin nito ay hindi niya parin matalo si Chip-chip dahilan para tratuhin siya ni Luis na isang kaaway. Isa pa niyang kaaway ay ang isang batang babae na nag-ngangalang MatIlda Bravo. Sobrang taray nito kahit na ano pang kabaitan ang ipakita niya. Kasama niya sa kanyang talangbuhay ang kanyang mga kaibigan na sina Panny, Ria, at Nat-nat. Nandito naman ang ate niya na gagawin ang lahat para lang protektahan ang kapatid niya. Yun nga lang, minsan ang ate niyaniya ang gumagawa ng mga bagay na ikapapahiya niya. Tulad ng ipahiya siya, ikulong siya sa banyo at patayin ang ilaw habang naliligo ito. Ipakita ang hubo't hubad niyang katawan sa maraming tao habang nagbibihis ito. Ganyan mantrip ang ate niya. Tomboy nga talaga. Pagtatawanan pa siya nito ng sobra kapag nakitang ayos ang ginawa niyang plano tungkol sa kapatid niya. Ngunit hindi niya hahayaan na may gumawang iba nun sa kapatid niya bukod sakanya. Ganyan mag-alaga ang ateng tomboy. May kuya ka na, may ate ka pa.All Rights Reserved