"Akala ko tayo na talaga, pero mali pala ako. Oo masaya ka nga pag kasama ako, pero di natatago yung lungkot sa mga mata mo. Pero alam mo? Nung nakita ko kayo ni Xyla? Kitang kita ang saya sa mga mata mo. Oo mahal mo ako pero di tulad ng pagmamahal ko sayo. Mahal mo ako pero bilang bestfriend lang. Alam ko namang kaya ka lang pumasok sa relasyon na to dahil ayaw mong masaktan ako, but guess what? Sobrang sakit nito! Sobrang sakit ng puso ko! Ang tanga ko dahil umasa akong magbabago ang pagtingin mo sakin! Akala ko mababago ang pwesto ko jan sa buhay mo! Ang tanga ko dahil hinayaan kong maging rebound ako! Nakalimutan kong bago nagkaroon ng tayo. Merong ikaw at ako. Nakalimutan ko ang sarili ko! Nakalimutan kong ako si Autumn Cassandra Fillomela! Nakalimutan ko kung ano ba ako sa buhay mo! Nakalimutan kong best friend mo lang ako at wala ng hihigit pa doon! " - Autumn Cassandra Fillomela