Simpleng buhay. Simpleng bagay. Masayahin at walang problema kong ihahalintulad sa ibang lugar ang buhay ng Sitio Mapayapa. Walang bangayan, walang away sa magkakapit bahay sa maliit na sitio naito sa pagitan ng Luzon at Visayas. Dito, pati mga bata ay tinuturing ang isa't isa bilang magkakapatid. Kung iiyak ang isa ay papatahin ng lahat. Isa ditong namumuhay ang batang si Lheasy, bata pa lamang at nakitaan na ito ng uri at tangi nitong ganda ng mga nakakatanda at kanyang mga kapitbahay sa sitio. At dahil sa murang edad nito ay hindi naman ito pinapansin ng bata at tinutuloy lang ang kanyang pagtalon-talon habang naglalaro siya kasama ang mga babaeng kaibigan niya. Ngunit hindi sa kalayuan, maiigi namang nag mamatyag ang batang si Thomas sa likod ng malaking puno na parang ba may kukuha o manakit kay Lheasy kong hindi siya rito titingin. Noon pa man ay may pag tingin na si Thomas sa kay Lheasy ngunit sa murang edad ay hindi niya ito mapangalanan. Sa pag dating ng panahong sumibol na ang kanilang totoong layunin sa buhay, ay mas naiintindihan na nilang dalawa kong ano talaga ang meron sakanila. Magpapadala ba ang mga ito sa agos ng kanilang puso ngayong mas naiintindihan nila kong anong ibigsabihin ng kanilang nararamdamang "pag ibig"? Paano nila ito maisasabuhay kung ang nakapaligid sa kanila ay may lihim na tinatago. Paano nila ito maipararamdam sa isa't isa ang kanilang pagmamahalan?All Rights Reserved