B1 GANG MYSTERIES Case File No.8 : Wildlife Detectives
23 parts Complete Gorilya sa Maynila?
Ang akala ng mga alagad ng batas ay simpleng kaso lamang ng drug smuggling ang kanilang nadiskubre sa Ninoy Aquino International Airport. Sino ba nga naman ang maghihinala na ang mga ipinasok na unggoy na kinabibilangan ng isang gorilya ay may itinatagong lihim?
Ngunit nang matunugan ng B1 Gang ang kasong ito ay biglang nag-iba ang lahat. Mitsa lamang pala ang gorilyang si Gorio ng higit na masalimuot na krimen. Isang uri ng krimen na ang biktima ay kalikasan! Isang kasong nagmula sa Africa, nabuo sa Pakistan at pumutok sa Maynila ang susuungin ngayon nina Gino, Boging, Jo at Kiko.
Samahan ang barkada na iligtas ang mga kawawang hayop mula sa bodega ng tusong si Mr. Wong. Makihabol, magmanman at makipagtuos din kayo sa kalaban ni Inang Kalikasan. Sa madaling salita, maging isang... wildlife detective!
Isinulat ni Armin T. Santiaguel II (ATSII)
C1996