Paturo naman kuya, Ang galing naman maggitara, Kuya bat ang galing mo? Yan ang kadalasang nasasambit o nasasabi sa akin ng mga nakakarinig ng paggigitara ko. Hindi naman talaga ako totally expert sa pagtugtog, marunong lang talaga. Ito rin ang ginagamit ko sa panliligaw o para mapahanga ko ang isang babaeng gusto kung ligawan. Hindi naman kasi talaga ako gwapo, hindi rin panget. Sakto lang naman, payat at matangkad na maputi ako Si "Angela" ang babaeng una kong niligawan, siya din ang una kong babaeng nagustuhan ko.