Sa bawat kwentong nababasa o napapanood natin, may isang taong laging handang umalalay sa bida, magpasaya sa kanya, at dumamay. Palaging nandyan kapag kailangan. Handang ibigay ang buong puso para lang masuklian ang pagmamahal na inaalay niya. Ang problema, pag umabot na sa dulo ang kwento, bumabalik na ang bida sa taong nararapat sa kanya at ang taong laging nasa tabi niya nang mga panahong kailangan niya, hayun at nanatili na lamang extra. Ikaw? Minsan ka na rin bang naging extra?