Ilang beses kaya dapat tayo masaktan dapat ba isang milyon? Ilang beses ba tayo dapat magpaka-TANGA sa taong alam naman nating walang kasiguraduhan kung mamahalin nga ba tayo siguro panghabang-buhay ba? Kailan ba tayo kailangan mauntog na "Hoy! Tama na sa pagpapantasya gumising ka sa realidad na kahit kailan walang magmamahal sayo" Ilang beses pa ba natin dapat isa-isip na isa ka lang niyang laruan na anytime na gusto niya ay paglalaruan ka... Ilang beses pa ba ang kailangan para lahat ng binigay mong atensyon para sa kanya na lagi naman niya binabaliwala ay matauhan ka? Ilang beses pa ba dapat marinig ang "Babawi ako" kailan ba yan? Matagal pa ba yan? Kasi kahit pa anong sabihin niya alam mong unti-unti kang nawawalan ng pag-asa na makakabawi pa siya sa lahat. Ilang beses pa ba? Pero kahit na alam mong ilang beses pang sabihin ng utak mo na "Tama na" pilit pa din sinasabi ng puso mo na "Konting tiis pa kaya ko pa 'to"
1 part