Paano kung matapos ang mahabang panahon ay makita mo ulit siya? Bukod pa dun, may kasama siyang iba. At bukod pa ulit dun, kapatid mo pa. Hindi lang din basta kapatid mo, yung kakambal mo pa. Iyak ka na lang, di ba? Pero hindi ako umiyak. - Charl
Masarap sa pakiramdam na mahal ka ng mahal mo. Eh paano kung yung mahal mo, hindi sigurado kung mahal ka niya? Paano kung nalilito siya sa pagitan ninyo ng kapatid mo? E paano kung sa dinami ng kapatid mo, sa kakambal mo pa? Isusuko mo na lang ba? Isusuko ko na lang ba? - Lotte