WW1-Short Novel Writing Contest Entry ~ @ Top 7 --- Sa mata ng pag-ibig, mahalaga nga ba ang anyo para mahalin? Nililimitahan ba nito ang patutunguhan? Katanggap-tanggap bang lisanin ang isang pusong tunay na nagmahal dahil lang kakaiba siya? O nakatataba ng puso na tanggapin at ibigin sa kabila ng kaibahan? Mga pusong umiibig. Mga pusong nasasaktan. Saan sila dadalhin ng pag-ibig at galit na kanilang ipinaglalaban? Mahanap kaya ni Dawn ang tunay na pag-ibig sa gitna ng kanyang pagtatago at pagbabalatkayo? Hanggang saan ang kaya niyang gawin sa ngalan ng kalayaan at pag-ibig? Sa kwentong ito'y pagtatagpuin ang dalawang puso mula sa magkaibang mundo. Pag-iisahin ang mga mundong pinaghihiwalay ng malaking pagkakaiba. Bibigyang proteksyon ang isa't isa, humantong man sa kamatayan. Nagmahal. Nasaktan. Naghintay. Muling nagmahal. Mayayakap na nga ba ang habambuhay?