Tumatakbo ang isang dalaga papalayo sa isang hindi malaman na tao o bagay habang sinusubukan na hindi matulog. May mangyayaring masama, ang sabi niya. Sinusundan siya ng isang misteryosong lalaki na nagsasabi sa kanyang magpahinga na at hindi siya iiwan. Mapupunta sila sa isang bahay kubo... ...at doon malalaman ang lahat. -------------------- Base ito sa isang kwento ng isang kaibigan na gusto niya sanang gawing maiksing laro, pero hindi na niya na-release dahil nawalan na siya ng gana. Sabi niya galing raw sa kanta ng bandang Hale ang ideya ng kwento.