Promises (on-going)
  • Reads 54
  • Votes 1
  • Parts 1
  • Time <5 mins
  • Reads 54
  • Votes 1
  • Parts 1
  • Time <5 mins
Ongoing, First published Jan 10, 2017
Nanahimik ako..
Nanamihimik sa isang tabi
ngunit ikaw ay dumating
ikaw na iniisip sa araw at gabi

Nagbigay kulay sa aking mundo
sa mundo kong itim at puti
Nagbigay ngiti sa akin
ako na parating may hikbi

nangako sa isa't isa
na dadating sa araw na tayo ay magiging isa
pangakong kailanman 
ay tayong dalwa'y parehong lalaban

ngunit habang tayo ay nasa kaligtaan
parang unti unting nawawala sa labanan
ako pa ba'y may kakapitan?
sa mga pangakong aking pinanghawakan?

nawala ka ng wala man lang iniwan na dahilan
at iniwan lamang ako sa kawalan
pilit kong binabalik ang nakaraan 
ngunit ikaw mismo ang lumalayo sa ating sinumulan

Patawarin kung ang pangakong hindi ka iiwan
ay akin nang wawakasan

Patawarin kung ang pangakong ikaw lang
ay akin nang papalitan

Patawarin kung ang pangakong kapit lang
ay akin nang bibitawan

Pasensya ka na.. pagod na ako sa mga bagay na ako nalang
pinaramdamam mo sa akin na ako na lamang.. 
ang humahawak sa ating sinumalan..

Ngayon, hindi na bale kung saan nag simula ang lahat
dahil ang lahat ay muling maguumpisa sa nakaraan

ikaw din ang nagpalit ng ngiti sa mga mata 
at naglagay ng mga luha 
iyo rin namang iniwanan ang pusong may pighati
At iyo rin namang binawi ang mundong iyong binigyang kulay mula sa itim at puti
Ikaw rin ang nagbalik sa mga araw at gabing palaging may hikbi

Pasensya ka na kung ako man ang nangako.. ako rin naman ang papako.. 
dahil bigyan mo ako nang dahilan 
para ang lahat ay akin nang isuko...

- Krysh
All Rights Reserved
Table of contents
Sign up to add Promises (on-going) to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Saving Elliot ✓ cover

Saving Elliot ✓

32 parts Complete

Elliot Jensen and Elliot Fintry have a lot in common. They share the same name, the same house, the same school, oh and they hate each other but, as they will quickly learn, there is a fine line between love and hate.