Hindi alam ni Bridget kung ilang couples na ang nagkatuluyan because of her help. basta madami na. "Bridget the Bridge na nga ang tawag ng mga kaibigan nya sa kanya. lahat na yata ng kaibigan nya ay nagka-jowa nang dahil sa pagiging tulay nya. Kaya ngayon, siya nalang ang single sa barkada. Kaya naman nung minsang ang kababata at crush na crush niyang si Bentong naman ang nakiusap sa kanya na gawin siyang tulay patungo sa puso ng malanding si Veronica, hindi na nya mapigilang maglabas ng hugot line. "Gagawin mo akong tulay? hindi lahat ng tulay matibay. eh yun ngang tulay sa london falling down eh! ako pa kaya? tulay ng San Antonio lang ako! buti sana kung pag yung tulay mo nahulog eh sasaluhin mo?"All Rights Reserved
1 part