Kilala ang mga sacristan bilang mga mababait at mabubuting kabataan. Mga banal sila kung ituring katulad ng Pari. Pero ang tanong ang pagiging banal lang ba ang alam buhay nila? Ang pagsisilibi sa Diyos at pari lang ba umiikot ang buong mundo nila? Ang alam lang ba ni lang gawin ay ang maglingkod, magdasal at gumawa ng mga gawain sa simbahan? Naisip na banatin kung ano pang pinagkakaabalahan nila sabuhay? Bukod sa pag=aaral ano pang ginagawa nila? Kahit yung maliliit na bagay lang, yung paglalaro ng sports? Anu-anong sports ang alam nila? Eh ang umibig kaya nasa bokabolaryo nila? Nagkagusto na ba sila sa isang babae? Kung alam ba nilang manligaw? Just imagine kung paano sila manligaw? Kung ako tatanungin, oo ang sagot ko ,bakit? Kasi isa ako sa kanila, isa rin akong sacristan. At oo naiinlove din kami. Naniniwala ako sa sinasabi nila na ang mga sacristan ay masarap magmahal at loyal dahil ganun ako, isa lang ang minahal ko at mamahalin kong babae. Masarap kami magmahal pero may hangganan din iyon, nauubusan din kami ng pasensya. Makakapag-antay kami ng tamang panahon sa lahat ng bagay ngunit kung pag-ibig ang usapan hindi naming kayang mag-antay ng habambuhay, meron din kaming hangganan at yun ay kapag napagod na kami sa kakaantay para sa tamang babae. Hindi lahat ng sacristan ay tinawag para magpari ang iba ay tinawag dahil duon nila makikita ang tunay na bokasyon nila. Ako nga pala si Luis John Cagas but you can call me LJ yan kasi ang tawag sa akin ng mga kasamahan kong sacristan. 5 years nasa ministry at 3 years nang nag-aantay sa kanya, nag-aantay na bumalik sya sa akin kung babalik talaga pero isa lang masasabi ko sa kanya, ' hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo.'
11 parts