Sa isang klase, sa isang grupo, sa mga magkakaibigan.. madalas may iba't ibang klase ng mga nagiibigan.
May matagal nang magkarelasyon, yung mag-eencourage sa inyong may forever dahil sa sobrang steady nila. May mga kakamonthsary, weeksary, 'yung iba nga pati daysary sinecelebrate *roll eyes*. May malanding ugnayan - tipong more than friends but less than lovers ang peg. May malabong usapan, hindi alam anong label. May mag-ex na attached pa rin naman sa isa't isa at di makamove on. May nagliligawan, getting to know each other ganern.
Eh what if ikaw.. none of the above given options ka?