Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat. Ito lang ang nakikita kong paraan upang masabi ko ang mga nasa saloobin ko. Hindi niya alam na mayroon akong lihim na paghanga sa kanya, yun tipong hindi siya maalis sa isip mo, nakikita mo siya sa ibang tao at siya ang lagi mong hinahanap-hanap kahit na magkasama lang kayo kanina. Nalaman kong mayroon din siyang pagtingin sakin, pero di niya alam na alam ko na may lihim din siyang pagtingin sakin.. Kasalanan talaga yan ng ating mga kaibigan sila na mismo nangbubunyag ng ating mga sikreto.. Pero salamat na rin sa kanila atleast alam ko na may chance ako hehehe... So ginawa ko itong tula para masabi ko at malaman niya na mayroon din ako pagtingin sa kanya. P. S. . Dati nagkakahiyaan pa kami.. Ni hindi kami makapag-usap in person... Pero kung magchat sa social network.. Parang hindi kumpleto yung araw na hindi mo siya nakausap..All Rights Reserved
1 part