Isang istoryang magpapatunay na kung minsan may mga panaginip na magkakatotoo. Maghintay lang dapat sa tamang oras kung kailan talaga ito nakalaan, kung kailan talaga nakatalang mangyari sa aklat ng kapalaran. Matutunghayan dito ang isang simpleng lalakeng umaasa na lang sa panaginip upang talagang maramdaman ang kaligayahan na kanyang pinapangarap, kaligayahang pinagkait sa kanya ng realidad dito sa mundong ginagalawan dahil sa kanyang estado at kaanyuan ngunit paglipas ng mga panahon may darating sa kanyang buhay na gigising sa kanyang diwa na siya ay karapat dapat na mahalin at damhin ang tunay na kasiyahan. At ang kaniyang dating nararamdaman lamang sa panaginip ay magkakatotoo na .All Rights Reserved