Sa buhay pag'ibig ng isang lalaki meron talagang isang babae ang mangingibabaw, marami mang nakilala, merong mamumukod tangi. Marami maganda dyan, Oo , sexy, halos perpekto. Pero hindi yon sapat na basehan.. I mean, hindi sapat ang pisikal na ganda lang, dahil makikita naman yan kahit saan. Meron talagang babaeng dumating o dadating sa buhay namin na talagang kakatakutan naming mawala. Yung babaeng hahayaan lang naming paiyakin kami, saktan kami, o bungangaan, titiisin lang. Ang lalake kase hanggat maaari, ipakita naman sa lahat na Okay lang kami, na kaya pa kahit hindi na.. pero kapag nagpakita na kami ng sign na weak kami, ibig sabihin nun espesyal ka.