Sabi nga nila, Nakakamatay ang mainlove sa maling tao. Hindi naman literal na patay, Yung nakakamatay ng puso ng damdamin pag nainlove ka sa gago. Yung feeling na di mo na matake lahat ng heartaches mo, yung feeling na ang saya saya mo dati tapos sa isang pitik lang lahat ng saya mo biglang nag laho, aminin natin may mga tao din na nagpapakamatay pag hindi na kaya ang isang heartache. Pero di dapat ganun, wag ka naman ganun ka-tanga. Life's too short para magpakamatay ka mas marami pang mas may gusto pang mabuhay diyan, kung pwede lang idonate ang buhay siguro marami ng cancer survivors ngayon. sabi nga nila madami pa diyan, pero aminin mahirap humanap ng iba kung naka stay ka padin sa past. Unting unti naman tayo makaka move on eh. Sabi nga nila pinoprocess yan, step by step may susunudin ka lang na rules, kahit sobrang hirap na di mo tignan yung facebook timeline niya, kahit mahirap na hindi siya itext dahil nakasanayan mo na. Kaya tiis tiis lang, And I'm sure sa pag titiis na yan tatawa ka nalang at masasabi mo nalang sa huli na "Hay bat ko ba minahal tong gagong to? sinayang ko lang oras ko." PS: Inspired po yung mga story ko sa mga nababasa ko pong story dito sa wattpad, Madami pong badwords dito kaya di po pwede ang mga maseselan na tao. Thank you :)