From best friend to mortal enemy. Ganoon ang relasyon ni Luigi kay Kean. Ito ang sinisisi niya kung bakit siya na-basted ng kanyang nililigawan. Pero ang talagang nagpagalit sa kanya ay ang bigla na lamang paglayo ni Kean sa kanya sa halip na humingi ng patawad. One year and six months later... Hindi maipagkakailang matindi pa rin ang kanyang panibugho sa dating kaibigan at lalong napapatunayan iyon sa tuwing nakikita niyang kasa-kasama nito ang campus heart throb na si Benjamin, na mukhang bago nitong best friend. Nanggigigil siya dahil kay bilis siya nitong pinalitan kahit ba pitong taon silang naging mag-best friend. Pero sama ba talaga ng loob ang kanyang nararamdaman o pagseselos? Alam pa naman niyang bisexual si Benjamin, at ramdam niyang ganoon din si Kean...
24 parts