Paano ba makalimot Kung sa bawat ngiti ko ikaw ang dulot Pero bakit hanggang ngayon puso ko parin ay di mo pa pinupulot Iniwan mong basta Dapat pa ba akong pumusta? Sa relasyon natin di alam kung kamusta Pinipilit na sakit ay maibsan Dahil ayaw kitang bitawan Kahit na sobra na kong nasasaktan Kung iisipin ayaw kong sa iba ka sumaya Ayaw kong sa tadhana ay tumaya Dahil baka tuluyan ka ng lumaya Babalik ka pa ba? O tuluyan mo na akong pinagpalit sa iba Aasa pa ba ? Masisisi mo ba ako na ikay kalimutan Kung sa puso ko ay di ka pa napapalitan Mahal dapat na ba kitang bitawan? Mga salitang bumubulong sa aking isip Habang dinadamdam ang hangin na umiihip Nagiisip na baka pagdungaw ko sa umaga ikaw ay masilip Sobra na sayo'y nasasabik Sana ikaw na ay bumalikAll Rights Reserved
1 part