Teen Hearts #2 Paano ko ba siya makukuha? Hindi naman kasi siya iyong tipo ng lalaking mahilig sa babae, sa parties, sa alak at kung anu-ano pang bisyo. Hindi rin siya iyong tipong bad boy at maraming barkada. Hindi siya hokage sa mga babae. Hindi rin siya mapang-asar at pa-cool kid. Sa lahat ata ng iba't ibang klase ng lalaking mahirap makuha, siya ata ang pinaka mahirap at impossible sa lahat. Kasi isa siyang good boy. Isa siyang tunay at magandang halimbawa ng anak ng Diyos. Palagi siyang may bible na dala sa kanyang bag. May bracelet siyang rosary at higit sa lahat, isa siyang sakristan. Paano ko ba siya makukuha? How will I get this religious, God-fearing, and very devoted boy? How will I get him when I'm just a pretty girl with nothing to be proud of?
33 parts