Nang mamatay ang Daddy ni Janine, tinanggap na niya na sila na lang ng kaniyang Mommy ang magkasamang haharap sa lahat ng hamon ng buhay. Bagaman at masakit, inisip na lang niya na life must go on. And besides, nandiyan naman ang kaniyang Mommy eh. Ito lang sapat na. Akala niya ay sapat na rin ang pagmamahal niya para maging masaya ito, subalit nagkamali pala siya. Sapagkat pagkatapos ng apat na taong pagkamatay ng kaniyang Daddy, nakatakda na niyang makilala ang bagong lalaking pakakasalan ng kaniyang Mommy. And to her dismay, halos kasing edad lamang pala niya ito. Ahhh, hindi siya papayag na maging step father niya ang lalaking parang anak lamang ng kaniyang Mommy. Gagawin niya ang lahat para mailayo ito sa kaniyang Ina, sukdulang ipain pa niya ang kaniyang sarili mapaghiwalay lamang niya ang dalawa! Subalit isang araw, na-realize na lamang niya na nahulog na rin ang loob niya sa binata. Paano nga ba niya tatanggapin at ipaliliwanag sa kaniyang Mommy na ang lalaking mahal nito ay ang lalaki ring nagpatibok at laman ng kaniyang pihikang puso?!