Bata palang si trevor ay nakakakita na sya ng mga kaluluwa. Karamihan ng mga kakilala niya ay hindi naniniwala sa kanya. Madalas syang pinagtatawanan lalo na ng mga kaibigan nya. Maagang naulila si trevor sa ama , dahil sa isang aksidente. Alam ni trevor na hindi sya normal katulad ng iba. Nakikita rin trevor ang dad nya hanggang sa ngayon. Excited si trevor ng umagang iyon. Pagsapit ng uwian.. Matagal na nag-antay si trevor sa labas ng school. Sinusundo lang kasi sya ng mommy nya. Naglalakad lakad sya ng biglang may narinig syang malakas na impact sa kalsada. Isang ali ang nasagasaan ng humahagibis na motorsiklo Kitang kita ni trevor ang paghiwalay ng kaluluwa ng matanda sa katawan nito. Ngunit mas napansin nya ang isang Libro na tumilapon Malapit sa kanya. Di nya alam kung don ba sa matanda ang libro o dun sa humahagibis na motorsiklo. Pinulot ni trevor ang Libro. Mahilig kasi syang mag basa minana nya rin ito sa mga magulang nya. Dahil sa pagkahumaling sa mga librong babasahin ay ito na rin ang naging trabaho ng mga magulang nya. May ari sila ng isang malaking pagawaan ng libro. Animo'y may bumulong sa kanya , ngunit di nya maintindihan dahil sa hangin lang ang tangi nyang naririnig. " Wala na mang kakaiba sa librong ito". Wika ni trevor sabay ipinasok sa bag ang libro. Ano nga bang meron kay trevor at sa Libro ?