Ako si Jessie, isang lesbian. May sasaklap pa ba sa buhay ko. Sampung taon na simula ng magbago ang takbo ng buhay ko dahil sa isang aksidente na nagpahiwalay sa amin ni Sophie. Siya ang babaeng pangarap ko. Babaeng akala ko hinding hindi magkakagusto sa akin pero pinanigan ata ako ng kapalaran at minahal niya ako. Pero nagbago ang lahat ng maaksidente siya. Inilayo siya ng magulang niya sa akin. Nagpunta sila sa ibang bansa at doon na tumira. Ang tanging alam ko lang ay maayos na itong namumuhay doon. Pero isang gabi ay nakita ko siya ulit. Nasilayan ko ulit ang kanyang ngiti. Kaso paano ko ipapaalala sa kanya ang aming nakaraan kung hindi niya ako maalala. Paano ko ipapaalala na minsan siyang nagkagusto sa akin kung ngayon ay 'straight' na siya. Maalala ba ako ulit ng puso niya kung ang isipan niya ay may nagkaroon amnesia?
13 parts