Ako ang una kaso, hindi ako ang huli. Hanggang kaibigan lang ang inabot ko. Hindi na kasi niya ako pinapasok pa. Hanggang doon na lang, at tsaka niya isinara, ang pintuang dati ay para sa akin, na ngayon ay nakakandado na at ang susi ay pagmamay-ari na ng iba. Ang masakit pa, duplicate lang ang purpose ko kapag hindi siya masaya. saan ba ako lulugar? sa ngayon, hindi ko pa alam. hindi ko pa handang tanggapin ang kasagutan, ang kasagutang pilit kong tinatakbuhan na ayaw akong tantanan. hayaan niyo muna ako, hanggang maubos ang pagmamahal ko sa kaniya. darating din ako dun sana.