Ito ang Wattpad University kung saan BAWAL ang SINGLE kaya may tinatawag na Wattpad RelationShop. Mayroong Wattpad Cafeteria, Wattpad Bookstore, Wattpad Gaming Center, Wattpad Market, Wattpad Hall, Wattpad Gymnasium, Wattpad Field, Wattpad Court, Wattpad Pool at marami pang iba. Wala namang kakaiba sa mga tambayan na 'yan maliban sa pangalan. Pero sinong mag-aakala na dahil sa Number One Rule nila ay magkakaroon ng mga bagong Loveteam? At sa hindi inaasahang pagkakataon pa? Alam kong cliché pero dapat mong malaman, na ONCE na mainlove ka, mahirap ng pigilan ang puso mo. Pero tandaan, hindi dapat laging puso ang pinapairal. At, hindi lahat ng bagay ay permanente sa mundo.