Madali lang naman ma-inlove sa isang tao diba? Yung tipong hulog na hulog ka na parang di ka makakabangon, nanginginig yung laman mo naiisip mo palang na malapit sya, higit sa lahat naiisip mo na yung kinabukasan mo kasi sya na talaga. Madali lang yan,eh. Madali lang talaga ang ma-inlove. Alam mo yung mahirap? Yung mag-stay ka na inlove sa parehong tao. Yung kahit anong mangyari sya pa din yung pipiliin mo. Yung hindi magbabago yung pakikitungo mo, yung hindi mo isusuko yung relasyon na meron kayo, yung handa mong ipaglaban yung pagmamahalan nyo, higit sa lahat, yung kahit anong mangyari, siya at siya pa din yung pipiliin mo. Mahirap diba? Mahirap kasi minsan gusto mo nalanag talaga sumuko. Pero alam mo ba yung mas mahirap pa dyan? Yung nakapili ka na,matagal na. Yung nahanap mo na yung perpektong tao na sasakay sa lahat ng kabaliwan mo, yung mamahalin ka kahit hindi ka naman perpekto, yung taong gusto mong makasama habang buhay, yung nakita mo na yung taong kasama mong tumanda, pero.... Pero may darating na guguluhin yung utak mo. Guguluhin yung sistema mo. Guguluhin yung puso mo. Mahihirapan ka ba? Kasi kailangan mong pumili. Yung tao bang kasama mo na ng matagal na panahon, o sa taong wala ka namang kasiguraduhan. Pipiliin mo pa din ba yung una kahit ano mangyari? O susubukan mo naman ang pakiramdam na iba yung nagmamahal sayo?