Sa edad na disinuebe ay nabuhay si Damon Storm Del Martin na nakukuha niya lahat ng gusto niya. May mapagmahal na magulang, marangyang buhay, kasikatan, at mapagmahal na nobya. Ang akala niya ay ganoon ang buhay na aayon sa lahat ng gusto niya. Ngunit isang araw ay binulaga siya ng dalawang katagang babago sa kinasanayan niya. Isang babae ang biglang sumulpot sa labas ng bahay niya at sinasabing buntis ito at siya ang ama. Sa isip niya ay hindi maari iyon, ngunit wala siyang nagawa nang magdesisyon ang kanyang mga magulang na ipakasal siya sa babaeng ito. Nagulo ang maayos na takbo nang buhay niya, bukod pa roon ay nawala ang babaeng pinakamamahal niya. At lahat ng iyon ay dahil kay Holly Paige Samonte---ang babaeng nabuntis niya. Kaya naman gagawin niya ang lahat para masira rin ang buhay nito. Ngunit habang tumatagal na nakakasama niya ito ay may kakaiba siyang nararamdaman, pakiramdam niya ay lumalambot ang puso niya. Parang gusto niyang bigyan ng tsansa ang relasyon nilang dalawa. Pupuwede kaya iyon?
Childhood crush ni Cami si Kienzo Mendrez, ang panganay na anak ng kaniyang Ninang Seleste at Ninong Luca. At hindi rin kaila kay Kienzo na crush niya ito. Ahead ito ng walong taon sa kaniya. Kaya naman hindi nito siniseryoso ang pagsintang pururot niya rito. Nakalakihan niya na palagi itong asal arogante pagdating sa kaniya. Palagi rin siyang sinusungitan para lang itaboy siya.
May pagkakataon din na pinipeste niya kapag nalaman niyang may ka-blind date ito. Boto kasi sa kaniya ang ina nito kaya naman sinasabihan siya kapag may nakatakdang blind date si Kienzo.
Pero isang araw, sumusobra na ang panghihimasok niya sa buhay ni Kienzo. Nasigawan pa siya nito dahil sa gigil sa kaniya. sinabihan kasi niya ang ka-date nito na siya ang fiancée ni Kienzo at malapit na silang ikasal kaya naman nagalit ang babaeng ka-date ni Kienzo. At ang pinagbalingan siyempre ng galit ng binata, walang iba kung 'di si Cami. Nasabihan pa siya nito nang masakit kaya naman nasaktan ang batang puso niya.
Iyon ang huling eksena na natatandaan ni Cami na nilapitan niya si Kienzo. Pagkatapos niyon ay hindi na siya nagpakita pa rito. Hanggang sa tumuntong siya sa college. Mas pinili niya ang mag-aral sa London. Dahil gusto rin niyang maka-move on sa kabaliwan niya sa lalaking alam niya na hindi siya magagawang mahalin. Dahil ang palaging dahilan ni Kienzo ay masyado siyang bata para dito. Ayaw nito sa isip bata na katulad niya.
Kaya naman, laking gulat niya nang maging bisita niya ito sa London. Lalo na sa ipinunta nito roon. Gusto nito na magpakasal sila. Walang ligoy nito iyong sinabi sa kaniya. Magsisimula na sanang kiligin si Cami nang malaman ang totoong dahilan ni Kienzo...