26 części Zakończone Sa Gitna ng Lahat
"Minsan, kailangan mong maligaw para matagpuan mo ang sarili mo. At siya."
Makulimlim ang langit. Nasa gitna ako ng crowd-naka toga, may medal sa dibdib, at hawak ang isang sulat na ilang taon kong itinago.
Sa likod ng ingay ng graduation ceremony, natanaw ko siya.
Si Akira.
Pareho pa rin ang titig. Tahimik. Seryoso. Pero ngayon, may lungkot. At may tanong.
"Xavier," sabi niya, habang nilalabanan ang mga luhang ayaw bumagsak. "Ngayon na natapos na tayo... anong susunod?"
Tumingin ako sa kanya. Sa lalaking minahal ko sa gitna ng lahat-sa gulo, sa katahimikan, sa sakit, sa kilig, sa pagkalito.
At ngumiti ako.
"Siguro... simula ulit."
Sa paligid, may mga taong palakpak ng palakpak. May mga sumisigaw ng pangalan ko. Pero ako, tahimik lang. Kasi sa wakas, natapos din ang chapter na akala ko'y walang ending.
Pero may nakalimutan akong isa.
"Martin..."
Narinig kong binanggit ang pangalan niya sa kabilang side ng stage. Nagkatinginan kami. May lungkot. May ngiti. At isang pangakong hindi na kailangang bitawan.
Kasi sa gitna ng lahat ng nangyari... ako ang pinili ko.