(Entry to November's Writing Contest)
Yung feeling na papunta ka palang, pero napapabalik ka na.
Yung feeling na konti na lang talaga't nasa taas ka na, pero napapababa ka na.
Yung feeling na umaabante ka palang, pero napapapaurong ka na.
Yung feeling na nasubo mo na pero, napapaluwa ka na.
Yung feeling na konting tulak na lang at masasabi ko na sayong mahal kita, pero hindi ko magawa kasi naduduwag ako.
Ganyan lagi ang nararamdaman ko. Sa tuwing makita kita, marinig ko ang malaanghel na boses mo'y napapatahimik na ako. Ang duwag-duwag ko talaga. Kaya nga hindi ako umaabante diyan sa puso mo eh. Pero sana naman, regaluhan na ako ni Santa Claus ng sankatutak na "lakas ng loob", para naman masabi ko sa'yo na mahal kita. Mahal na mahal kita, Clarise Santos! ~ Jude