Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko nasanay nalang ako. Nasanay akong umasa. Nasanay masktan. Nasanay husgahan. Nasanay traydurin. Nasanay iwanan. Nasanay mapagsalitaan. Nasanay na hindi pinapakinggan. Nasanay na hindi pinapansin. Nasanay magtiis. Nasanay sa lahat ng hirap ng buhay. Nasanay na. Nasanay mag-isa. Naisip ko na rin kung paano ba ako mamamatay. O kung habang buhay ko na ba 'tong dadalhin. Habang buhay akong malungkot. Naisip ko nga kung bakit ba ako nandito. Bakit pa ba ako nandito. Bakit pa ba ako nabuhay dito. E kung walang ako, wala ring pagbabago sa mundo o sa buhay ng kahit na sino. Kasi wala namang kwenta si "Ako". Bakit? Simula ngayon. Dito na ako magkukwento. Hindi sa inakala kong nakakaintindi at nagpapahalaga sa akin. Na laging nakikinig sa bawat kwento ko. Laging nakayakap sa akin kapag inaapi ako at naluluha ako. Laging nagpapalakas ng loob ko kasi sabi nya may isang taong nagmamahal sa akin ng totoo. Na kapag nawala ako, wala na rin siya. Ayun! Nauna na! Iniwan na ako. Susuko din pala. Kaya dito nalang hindi sa best friend ko. Ay wala pala ako nun! Hindi sa mga kaibigan ko. Na kaibigan ko nga ba? O kaibigan lang ako pag may kailangan na. Hindi rin sa mga kapatid ko. Na tingin sa akin e kung sino lang. Ibang tao lang. Abnormal pa nga ang tawag sa akin kung minsan. Hindi sa mga magulang ko. Na ni minsan hindi naman nakinig sa kwento ko. Akala mo nakikinig pero makikita mo sa mukha nilang "ano ba yan, wala namang kwenta yang pinagsasabi mo". At kung minsan "Tang ina" pa ang tawag sa akin. Kaya ngayon hindi na ako magsasalita sa kahit na sino. Magsusulat nalang ako.All Rights Reserved