Kayo ba yung tipo ng single na babae na kapag nakakakita ng lalaki eh sinusukat kung passable ba sya as your future boyfriend?Nakakatawa man eh OO. Ganun ako. Kapag nakakakita ako ng lalaki na magisa, I rate him. Kapag gwapo, "sana ito na lang". Pag ok na, "uy, pwede na to.." at kapag panget, napapasagot ako ng "ok lang po akong single". Hoy, wag kayong judgemental sa akin ha. Naging gawain ko na lang din yun kasi, ewan ko ba. Basta naging habit ko na lang. Pero hindi ibig sabihin nun na sa lahat ng lalaki eh ganun iniisip ko. Kapag lang may mga nakikilala akong lalaki. Well anyway, so yun nga. Naging habit ko yun. Share ko lang. Let's start on my real story. Yes. My Love story. Yes. Mine. And right now I'm telling you girl, it's real.