Si Brina ang klase ng Babae na naniniwala sa mga lucky charm, horosecopes at mga hula hula, Her long time boyfriend Eduard Pete Dela Vega broke up with her because of that, nagsawa na raw ito sa kanya at sa kawirduhan nya kaya naghanap ito ng iba. Hindi iyon matanggap ni Brina kaya naman nagpaka desperada siya para lang bumalik ito sa kanya pero ginawa niya nang lahat ay wala pa ring epekto bagkus ay lumayo pa ito para lang matakasan siya. Wala na siyang nagawa kundi tanggapin na lang ang katotohanan na wala na talaga sila ng binata. hanggang sa muli ay magbalik ito sa bansa at ang masaklap pa ay magiging boss niya pa ito. Ano kayang manyayari sa pagsasama nila sa isang kumpanya ngayong mag ex na sila? Isa lang ang masasabi ni Brina. A W K W A R D ! Pero hindi siya papayag na maapektuhan nito ang trabaho niya. Alamin ang kwento nila Brina Jane Domingo at Eduard Pete Dela Vega sa Now That You're Here Again