Story cover for Ylona: The Adventurous Witch by Katana_Persephone
Ylona: The Adventurous Witch
  • WpView
    Reads 153
  • WpVote
    Votes 12
  • WpPart
    Parts 2
  • WpView
    Reads 153
  • WpVote
    Votes 12
  • WpPart
    Parts 2
Ongoing, First published Jan 29, 2017
Si Ylona Braille ang nag-iisang anak na babae ng pinuno ng kanilang isla. Ito ang isla ng mga Mago. Ang kanilang pinuno na si Praseo ang pinakamalakas na mago sa kanilang isla. Siya rin ang nagtuturo mismo sa mga grupo ng kabataan na gustong palabasin ang kanilang kakayahan. Ngunit sa hindi malamang dahilan, ang kaniyang unica hija at bunsong anak na si Ylona ay walang taglay na kakayahan. Lahat ng kaniyang apat na anak ay may iba't ibang kakayahan, maliban sa bunsong si Ylona. Lahat ng ipinapanganak sa kanilang isla na walang kakayahan ay nagiging manggagaway o kaya naman ay manggagamot. Ngunit inihihiwalay sila at doon pinatitira sa isla ng mga manggagaway. Hindi man gusto ni Praseo na mawalay sa kaniyang bunsong anak ngunit kailangan niyang sundin ang kanilang batas. Wala siyang nagawa kundi patirahin si Ylona sa isla ng mga manggagaway kung saan nakatira ang ina nito na isang magaling na manggagamot.

Ngunit likas na malikhain at malikot si Ylona. Sa kaniyang pagtuklas ng mga iba't ibang gamot at kabal ay aksidenteng nakalikha siya ng lagusan patungo sa mundo ng mga mortal.

Dito na nagsimula ang kaniyang paglalakbay.
All Rights Reserved
Sign up to add Ylona: The Adventurous Witch to your library and receive updates
or
#8physics
Content Guidelines
You may also like
𝗧𝗵𝗲 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗲 𝗘𝗺𝗽𝗲𝗿𝗼𝗿 by Mvirgo_17
35 parts Ongoing Mature
𝚂𝚢𝚗𝚘𝚙𝚜𝚒𝚜 Si Zarr ay ulilang lubos. Bago pa man siya maging ulila ay mayroon siyang pamilya, subalit hindi totoong pamilya. Inampon lamang siya ng mag-asawang Larine at Crado. Subalit, isang trahedya ang nangyari nang gabing iyon. Sinalakay ng mga misteryosong lalaki ang kanilang tahanan at pinaslang ang kaniyang kinikilalang magulang at naging bangungot iyon kay Zarr. Isa lamang pangkaraniwan si Zarr, subalit gagawin niya ang lahat upang maghiganti at mabigyang-hustisya ang pagkamatay ng kaniyang kinikilalang magulang. Gagawin niya rin ang lahat upang alamin ang kaniyang totoong katauhan. At isa lamang ang naiisip niyang paraan upang magawa ang mga nais niya, iyon ay magpalakas nang magpalakas. Dahil lakas lamang ang batayan ng mga karapatdapat. Kung hindi ka malakas ay wala kang kwenta. At ang malalakas ang mga nakakaangat. Hahalughugin niya ang buong kontinente ng Critonya upang magpalakas at maghanap ng mga oportunidad. Ngunit, mayroong mas malalakas pa sa kaniya kaya kailangan niyang makipagkumpetensya sa mga ito. At dahil isang mapangahas si Zarr, makikipagkumpetensya siya sa mga malalakas kahit pa malagay sa alanganin ang kaniyang buhay. Dahil din sa kapangahasan ni Zarr, makakatagpo siya ng mga mahigpit na kalaban. Dahil din dito, makikilala niya ang isang lalaki na kakaiba sa lahat ng kaniyang nakilala. Isa kaya itong kalaban o kaibigan? Kakayanin kaya ni Zarr ang mga pagsubok at hamon sa kaniyang buhay? Magiging matatag kaya siya sa mga ibinabatong panghahamak sa mga nakakasalamuha niya? Magtatagumpay kaya siya sa kaniyang paghihiganti at paghahanap sa kaniyang tunay na magulang? Subaybayan natin ang kasabik-sabik na kwento ni Zarr Albarn sa The Divine Emperor.
Haliya Aurora: Vengeance of the Wicked [Completed] by MoonlightMaddox
31 parts Complete Mature
Sa mundo ng mahika na kung tawagin ay Valderia ay nananahanan ang mga nilalang na kilala bilang mga lobo at bampira. Kahit na mortal na magkaaway ang dalawang panig ay nagkasundo sila sa paglaon at pagkumpas ng mahabang panahon. Tumigil ang alitan ng dalawang panig at ang lahat ay namuhay nang payapa't matiwasay. Walang away. Walang gulo. Walang digmaan. Subalit ang kapayapaang iyon ay dagliang nagwakas nang isang panibagong nilalang ang gumulantang sa kanilang lahat. Isang nilalang na higit na mas malakas at higit na mas makapangyarihan kaysa sa kanilang lahat. At ang nilalang na ito ay walang iba kung hindi ay ang nilalang na naging banta sa kanilang mga buhay. Ang mga mangkukulam. Dahil sa higit na mas makapangyarihan ang mga ito kaysa sa kanila ay nakaramdam sila ng takot. Takot sa mga maaaring gawin ng mga ito laban sa kanila. Kung kaya't dala nang labis na pangamba't ganid sa kapangyarihan ay nagkasundo ang mga lobo at bampira na tapusin ang angkan ng mga mangkukulam. Tinugis nila ang mga ito at isa-isang sinunog. Kahit na anong pakiusap at pagsusumamong gawin ng mga ito ay hindi nila pinakinggan at walang pag-aalinlangan nilang pinaslang. Subalit ang huling mangkukulam na pinatay nila ay nag-iwan ng isang sumpa na siyang naging dahilan upang lahat sila ay mabahala. Sumpang siya'y magbabalik at maghahasik ng lagim at lahat ng nagkasala sa kaniya't sa kaniyang mga kauri ay kaniyang pagbabayarin. At dahil sa sumpang iyon ay nilamon ng takot at pangamba ang mundong kinagagalawan nila. Huli na nang mapagtanto nila na ang mangkukulam na iyon ay ang mangkukulam na siyang higit na kinakakatakutan ng lahat ng mga mangkukulam sapagkat ito at tanging ito ang kahuli-hulihang lahi ng mga itim na mangkukulam. At ang kaniyang pangalan dala ng kaniyang sumpa sa buong sanlibutan ang siyang tumatak sa isipan ng buong sangkatauhan. Siya ay walang iba kung hindi ay si Aurora. . . Ang nag-iisang pinakamakapangyarihang mangkumulam sa mundo ng Valderia.
ANDRESS by Smiling_Ace
120 parts Complete
🌈 Rainbow Deck 🌈 📖 Bearer Series II 📖 "This is the Prequel Story of Jian: The Book Bearer..." "The Second Installment of Bearer Series." Nasaksihan natin ang pakikipagsapalaran ng kasalukuyang Bearer ng Libro, si Jian Louis Madrigal... Ngayon, sama-sama naman nating kilalanin at saksihan ang naging buhay pakikipagsapalaran ni Andress, Ang Puting Liwanag. =====ו×===== Isinumpa. Iyan na ang nakalakihan ni Andress na bansag sa kaniya ng kaniyang mga ka-baryo. Dahil sa taglay niyang kapangyarihan na sakupin ang isipan at diwa ng mga nilalang sa kaniyang paligid, naging masalimuot ang naging unang labing-anim na taon ng buhay ni Andress. Yakapin man niya ang kamatayan na paulit-ulit nang humahaplos sa kaniya, ang tungkulin na nakatakdang iaatang naman sa kaniya ang palaging humihila sa kaniya upang manatiling buhay. Sa kamalasan na dala ng kaniyang kapangyarihan na tinatawag niyang sumpa, nangako si Andress sa kaniyang sarili na wala ng papapasukin na kahit na sinoman sa kaniyang buhay. Ngunit ang pangakong ito ay nasira nang dumating ang isang binatang nagsilbing ilaw niya sa kaniyang madilim na lugar na kinasasadlakan; ang pagdating ng "Pulang Mandirigma ng Kanluran" na nagngangalang Enthon. Sa pagdating ni Enthon sa buhay ni Andress, unti-unting niyang nakilala ang tunay niyang pagkatao at unti-unti rin siyang nakalaya sa mahigpit na gapos ng madilim na nakaraan at tuluyang yakapin ang kapangyarihang minsan niyang tinawag na "sumpa" na para sa mga tulad niyang Biniyayaan ay itinuturing namang "regalo". Ang pagtanggap ni Andress sa kaniyang sarili at pagpapatawad upang makalaya sa masalimuot na alaala ng nakaraan sa tulong ni Enthon ang magbubukas ng panibagong pahina sa kaniyang kwento. Ang liwanag ng kapangyarihan ni Andress ay hindi pangkaraniwang bagkus ay itinakda na upang maging bagong simbolo ng Pag-asa- upang maging bagong Tagahawak. "Spreading Love and Laughter.." - Smiling_Ace | JhayemmJVR -
You may also like
Slide 1 of 7
𝗧𝗵𝗲 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗲 𝗘𝗺𝗽𝗲𝗿𝗼𝗿 cover
Salamangka ng Musmos cover
Possessive Love of Tomoya 🔞 cover
Haliya Aurora: Vengeance of the Wicked [Completed] cover
Aninag cover
ANDRESS cover
Yesterday's Afterglow cover

𝗧𝗵𝗲 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗲 𝗘𝗺𝗽𝗲𝗿𝗼𝗿