SuperMan
  • Reads 1,020
  • Votes 21
  • Parts 4
  • Time 1h 0m
  • Reads 1,020
  • Votes 21
  • Parts 4
  • Time 1h 0m
Ongoing, First published Jan 30, 2017
Maganda ang tanawin na aking pinagmamasdan. Maliliit ang mga gusali't bahay. Mula dito ay tanaw ko ang buong bayan.

"Nasaan ba ako?"

Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakasuot pala ako ng asul na damit na hapit sa matipuno kong katawan. Napansin ko ang suot kong pulang panloob na nakaibabaw sa asul na damit. Napansin ko rin ang pulang kapa sa aking likuran.

Pamilyar ang aking kasuotan. Sino ba ako?

Mula sa di kalayuan ay may natanaw akong isang taong kumakaway. Malayo man ay maliwanag kong kita ang kaniyang kagandahan. Mula sa himpapawid ay lumipad ako pababa malapit sa taong kanina pa kumakaway sa akin. Nakatayo lang ako paharap sa kanya at hindi bumabaling ng atensyon sa iba maliban sa kaniya. Binigyan nya ako ng matamis na ngiti na akin din namang ginantihan. Bagamat nakatungtong na ako sa lupa ay nananatili parin syang nakatingala sa akin. Masyado yata akong matangkad .
Napukaw ang aking atensyon sa malabrilyante nyang mga mata. Mapupungay ang mga ito at tila inaantok. Mula nang lumapag ako mula sa himpapawid ay wala ni-isa sa amin ang nagbabanggit ng kahit na isang salita. 

Ang mga titig niya ay bumaba ng bumaba hanggang umabot ito sa soot kong pulang panloob na ngayo'y nakasuot sa labas. Ang kaninang ngiti na mababakas sa kaniyang mga labi ay napalitan ng mahinang mga hagikhik.

"Baliktad ang pagkakasuot mo. Panloob ang pulang brief na iyan at hindi panlabas" Aniya.

Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha sa sinabi niyang iyon at dahil dito, tinangka kong lumipad. Tumalikod muna ako at akmang lilipad ng sambitin nya ang pangalang kanina ko pa gusto malaman.

"SuperMan!"
All Rights Reserved
Sign up to add SuperMan to your library and receive updates
or
#6m2m
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Saving Elliot ✓ cover

Saving Elliot ✓

32 parts Complete

Elliot Jensen and Elliot Fintry have a lot in common. They share the same name, the same house, the same school, oh and they hate each other but, as they will quickly learn, there is a fine line between love and hate.