『COMPLETE』 Malaking bahagi ng buhay ni Seth ang iginugol niya sa paghahanap sa isang babaeng bumago sa buhay niya may labing-tatlong taon na ang nakararaan. Hindi siya tumigil dahil hindi pumayag ang puso niya na gawin iyon. At alam niya na hindi magiging kumpleto ang buhay niya na wala ang babaeng iyon sa mga susunod na kabanata ng buhay na gusto niyang gugulin kasama ito. In a twist of fate, he found her. Pero hindi niya inakala na ang babaeng iyon pala ay ang taong lihim na iniibig ng isa sa mga kaibigan niya. Though he doesn't want to feel it, he couldn't help feeling torn between choosing what could make him happy and doing what he thought was right for him and his best friend. Pero ano nga ba ang tama para kay Seth? Ang gawin ang lahat upang mapasakanya si Czarina na siyang isinisigaw ng puso niya? O ang magparaya para sa kapakanan ng kaibigan kahit ang kapalit niyon ay ang pagtalikod sa tunay niyang nararamdaman?